Esang De Torres Paraiso

Return to a land called “Paraiso”

A place where a dying river ends

No birds dare fly over Paraiso

No space allows them to endure

The smoke that screens the air

The grass that’s never there

And if I could see a single bird

What a joy!

I try to wrire some words and create

A single song to be heard

By the rest of the world

I live in this land called Paraiso

In a house made of cardboard floors and walls

I learned to be free in Paraiso

Free to claim anything I see

Matching rags for my clothes

Plastic bags for the cold

And if empty cans were all I have

What a joy

I never fight to take someone else’s coins

And live with fear

Like the rest of the boys

Paraiso

Help me make a stand

Paraiso

Take me by the hand

Paraiso

Make the world understand

That if I could see a single bird

What a joy!

This tired and hungry land could expect

Some truth and hope and respect

From the rest of the world

And if empty cans were all I have

What a joy!

I never fight to take someone else’s coins

And live with fear

Like the rest of the boys

Paraiso

Help me make a stand

Paraiso

Take me by the hand

Paraiso

Make the world understand

That if I could see a single bird

What a joy!

This tired and hungry land could expect

Some truth and hope and respect

From the rest of the world

Paraiso

Help me make a stand

Paraiso

Take me by the hand

Paraiso

Make the world understand

That if I could see a single bird

What a joy!

This tired and hungry land could expect

Some truth and hope and respect

From the rest

That if I could see a single bird

What a joy!

This tired and hungry land could expect

Some truth and hope and respect

From the rest

Of the world

Esang De Torres Awit Sa Marawi

Hindi bala, hindi bomba sa Marawi ang sagot

Ang iisang dugo ay galit ang bumabalot

Mga walang kamuwang-muwang kayakap ang luha at takot

Mga maling adhikain ay ‘di tamang sagot

Marawi sabay-sabay nating ibabangon

Buong pagmamahal tayo ay aahon

Marawi darating din ang isang dapit-hapon

Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon

Kristyano at Muslim hindi ba’t iisa?

Nilalang tayo ni Allah na iisang Ama

Kung bubuksan ang puso ng bawat isa

Sa mundo ang maghahari ay ngiti’t saya

Marawi sabay-sabay nating ibabangon

Buong pagmamahal tayo ay aahon

Marawi darating din ang isang dapit-hapon

Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon

Hindi kulay ang kailangan upang magkaisa

Pula, puti, asul, dilaw tayo ay iisa

Ang pag-ibig, isapuso ‘yan ang mahalaga

Ako, ikaw, sila tayo’y magsama-sama

Marawi sabay-sabay nating ibabangon

Buong pagmamahal tayo ay aahon

Marawi darating din ang isang dapit-hapon

Sisikat ang araw sa isang bagong ngayon

[Repeat]

Marawi…

Esang De Torres Limos

Aming tirahan ay sa lansangan

Bubong ay langit, bangketa ang hinihigaan

Sa ‘ming paggising ay di malaman

Ang tamang lunas sa tiyan naming kumalakam

May’ron pa bang pag-asa

May’ron pa bang ligaya

May’ron pa nga bang bukas

Ang tulad namin na makikita

Bakit kami ang kawawa

Bakit di pinagpala

Sana ay marinig naman

Hinihintay naming limos

Sa kapwa

Ulan at init ay di naming pansin

Damit na basa sa katawan tutuyuin

Mga basura ay hahalungkatin

Baka sakaling kami ay may’rong makain

May’ron pa bang pag-asa

May’ron pa bang ligaya

May’ron pa nga bang bukas

Ang tulad namin na makikita

Bakit kami ang kawawa

Bakit di pinagpala

Sana ay marinig naman

Hinihintay naming limos

Sa kapwa

May’ron pa bang pag-asa

May’ron pa bang ligaya

Mayroon pa nga bang bukas

Ang tulad namin na makikita

Bakit kami ang kawawa

Bakit di pinagpala

Sana ay marinig naman

Hinihintay naming limos

Sa kapwa

Esang De Torres Pasko Ng Pilipino

Ohh… ohh…

Pasko ng Pilipino, Pasko ng Pilipino

Pasko sa atin ay anong ligaya

Pasko ng Pilipino, Pasko ng Pilipino

Sa pasko tayo ay magsama-sama

Pasko’y sasapit na

Tayo ay magsaya

Buksan ang puso’t isipan

Sa mga nangangailangan

Tayo ay magmahalan

Pasko sa’ting bayan

Sadyang naiiba

May parol na naglambitin

Kahit san ka mapunta

Ang lahat ay kay sigla

Pasko ng Pilipino, Pasko ng Pilipino

Pasko sa atin ay anong ligaya

Pasko ng Pilipino, Pasko ng Pilipino

Sa pasko tayo ay magsama-sama

Ilaw ng “Christmas Tree”

Ay nag-iimbita

Ang pasko’y muling sasapit

Tayo na at magsaya

Sumayaw at kumanta

La la la la la la

Awit na kay saya

Tayo ay magsama-sama

At limutin ang problema

Ang pasko ay heto na

Pasko ng Pilipino, Pasko ng Pilipino

Pasko sa atin ay anong ligaya

Pasko ng Pilipino, Pasko ng Pilipino

Sa pasko tayo ay magsama-sama

Ang mga regalo ay hinahanda na

Ng mga ninong at ninang natin

Hindi magkamayaw may ngiti sa labi

Pasko ay ating salubungin

Pasko ng Pilipino, Pasko ng Pilipino

Pasko sa atin ay anong ligaya

Pasko ng Pilipino, Pasko ng Pilipino

Sa pasko tayo ay magsama-sama

Pasko ng Pilipino, Pasko ng Pilipino

Pasko sa atin ay anong ligaya

Pasko ng Pilipino, Pasko ng Pilipino

Sa pasko tayo ay magsama-sama

Esang De Torres Nanay Ko, Tatay Ko

Nanay ko, tatay ko

Minsa’y nasabi nyo

Ang una kong “uha”

Ang nagpangiti sa inyo

At sa t’wing iiyak

Pinaghehele niyo

Kinakarga hanggang

Sa makatulog na ako

Nanay ko, tatay ko

Kayo ang tahanan

Tahanan ng pag-ibig na

Sadyang walang hanggan

Tatay ko, nanay ko

Haligi at ilaw

Ng tahanan

Na may pagmamahal

Nanay ko, tatay ko

Alam kong kailangan

Ikaw sa aming malayo

At mangibang bayan

Sa tawag at ‘yong padala

Ay nararamdaman

Ang pag-ibig na tunay

At wagas kailan pa man

Nanay ko, tatay ko

Kayo ang tahanan

Tahanan ng pag-ibig na

Sadyang walang hanggan

Tatay ko, nanay ko

Haligi at ilaw

Ng tahanan

Na may pagmamahal

Nanay ko, tatay ko

Kayo ang tahanan

Tahanan ng pag-ibig na

Sadyang walang hanggan

Tatay ko, nanay ko

Haligi at ilaw

Ng tahanan

Na may pagmamahal

Esang De Torres Habang-Buhay, May Pag-Asa

Pagsubok ay dumarating

Pagtakas ay hindi dapat isipin

Palagi ay may pag-asa

Kaya’t patuloy tayong manalangin

Hindi natutulog ang Diyos

Naririnig ka Niya

At huwag mong iisipin

Na ika’y nag-iisa

Habang-buhay may pag-asa

Ang liwanag ay muli mong makikita

Sisikat ang araw na ang dala ay ngiti’t saya

Laging isipin bukas ay may umagang kay ganda

‘Di lang ikaw ang nasaktan

Gulong ng buhay kung minsa’y ganyan

Pagsuko ay ‘wag gagawin

Paglaban ang lagi mong iisipin

Hindi natutulog ang Diyos

Naririnig ka Niya

At huwag mong iisipin

Na ika’y nag-iisa

Habang-buhay may pag-asa

Ang liwanag ay muli mong makikita

Sisikat ang araw na ang dala ay ngiti’t saya

Laging isipin bukas ay may umagang kay ganda

Habang-buhay may pag-asa

Ang liwanag ay muli mong makikita

Sisikat ang araw na ang dala ay ngiti’t saya

Laging isipin bukas ay may umagang kay ganda

Habang-buhay may pag-asa