Join The Club Lunes

Unang araw, kay bilis ng galaw

May kalaliman na patungo sa pag-ayaw

Na kalimutan ka kahit pa may iba

At sa muli’y magbabalik sa ‘kin ang lahat

Maaari bang magtanong

Dahil labis na rin akong lumalayo

Matatanggap ba ako

Kung magbabalik sa ‘yo

Sakit ng sinapit ay please wag ng magtampo

Wala man akong nagawa

Nung unang ika’y nawala

Wala sa hinagap na ako’y mabibigo

Wala sa hinagap na ako’y mabibigo

Unang araw, naninibago ka

Sa pakiwari ay may katiyakan na

At sa isang iglap mayroong magaganap

At sa muli magbabalik sa ‘kin ang lahat

Maaari bang magtanong

Dahil labis na rin akong lumalayo

Matatanggap ba ako

Kung magbabalik sa ‘yo

Sakit ng sinapit ay please wag ng magtampo

Wala man akong nagawa

Nung unang ika’y nawala

Wala sa hinagap na ako’y mabibigo

Wala sa hinagap na ako’y mabibigo

Wag kang magtaka

Pinilit kong magtanong

Basta sapat na ang

Nalaman mo na ako ay narito

Wag kang magtaka…

Wag kang magtaka…

Wag kang magtaka…

Wag kang magtaka…

Maaari bang magtanong

Dahil labis na rin akong luma…. Layo

Matatanggap ba ako

Kung magbabalik sa ‘yo

Sakit ng sinapit ay please wag ng magtampo

Wala man akong nagawa

Nung unang ika’y nawala

Wala sa hinagap na ako’y mabibigo

Wala sa hinagap na ako’y mabibigo

Wala sa hinagap na ako’y mabibigo

Join The Club Dekada

Magdamag mag-isa, umalis para lang malibang

Kunsabagay nasanay na rin ako sa kalungkutan

Pahintulot naman, sana ay wag ka ng maalala

Dahil ang totoo ako ay manhid na sa iyo

[Chorus:]

Nakalimutan ko na ba magmahal

Ang kabiguan ko ba ang dahilan

Ilang ulit man na ako’y nasaktan

Ay di mawaglit kahit pa sandali

Pag-uwi ko ng bahay, walang nadatnang sinuman

Kaybilis pala ng oras at di ko na namalayan

May mga bagay na sadyang di ko na maunawaan

Ang huling paraan, talikuran ang nakaraan

[Repeat Chorus]

[Bridge:]

Pagkat ako katulad mo, nalulumbay din

At di lang maintindihan kung minsan

Wag nang ipakita pa itong pagluha

Ayoko man lumimot ay kailangan

[Repeat Bridge]

[Chorus 4x]

Join The Club Nobela

Ngumiti kahit na napipilitan

Kahit pa sinasadya

Mo akong masaktan paminsan-minsan

Bawat sandali na lang

Tulad mo ba akong nahihirapan

Lalo’t naiisip ka

Di ko na kaya pa na kalimutan

Bawat sandali na lang

At aalis magbabalik

At uuliting sabihin

Na mahalin ka’t sambitin

Kahit muling masaktan

Sa pag-alis

Ako’y magbabalik

At sana naman

Sa isang marikit na alaala’y

Pangitaing kay ganda

Sana nga’y pagbigyan

Na ng tadhana

Bawat sandali na lang

Sumabay sa biglang pagkabahala’t

Lumabis sa pananadya

Tunay na pagsintang di alintana

Bawat sandali na lang

At aalis magbabalik

At uuliting sabihin

Na mahalin ka’t sambitin

Kahit muling masaktan

Sa pag-alis

Ako’y magbabalik

At sana naman

Ngumiti kahit na napipilitan

Kahit pa sinasadya

Mo akong masaktan paminsan-minsan

Bawat sandali na lang

At aalis magbabalik

At uuliting sabihin

Na mahalin ka’t sambitin

Kahit muling masaktan

Sa pag-alis

Ako’y magbabalik

At sana naman