Patch Quiwa Torpe

Halata namang masaya ka sakanya

Pero ang tanong ay gusto ka nga ba niya talaga?

Umamin na ba?

Sinabi niya ba’ng mahal ka niya?

Baka takot yung tao

Nahihiya siguro

Pero minsan lang

Nakakalito

Ikaw pa ba’ng lalapit?

Ikaw pa ba’ng magsasabi?

Ng di niya kayang ipagtapat

O pakiramdaman nalang lahat?

Kailangan mo yung may lakas ng loob

Hindi mo kailangan ng torpe

Hindi ko nga maintindihan ang gusto niya

Nagseselos siya

Nagtatampo pa

Para ba’ng kami na

May pag-asa ba?

Hintayan nalang ba talaga?

Ayos lang ba sayong

Hindi ka man sigurado

Kung ano ba talaga kayo?

Ikaw pa ba’ng lalapit?

Ikaw pa ba’ng magsasabi?

Ng di niya kayang ipagtapat

O pakiramdaman nalang lahat?

Kailangan mo yung may lakas ng loob

Hindi mo dapat nararamdamang hindi ka mahalaga

Kung di niya kayang umamin

Aba’y kawawa naman siya. diba?

Hindi niya mararamdaman ang ‘yong pagmamahal

Hindi mararanasan ang ‘yong yakap

At tamis ng ‘yong halik

Kung di niya kayang maglakas loob para sayo

Ako pa ba’ng lalapit?

Ako pa ba’ng magsasabi

Ng di niya kayang ipagtapat

O bibitawan nalang lahat?

Kailangan ko yung matapang

May paninindigan

Kailangan ko yung may lakas loob

Hindi ko kailangan ng torpe