South Border Buhos Ng Ulan

May isang halaman sa tabi ng

Daan

Unti-unting nalalanta

Sa natitigang na lupa

Sa init ng tag-araw ‘di mapansin ang sigaw

Nitong munting halaman

Sa tag-tuyo’y madiligan

Tulad ng isang taong

Punit-punit ang damit

Walang matutulugan walang

Mauuwian

Lagalag sa lansangan humihingi ng limos

Tiyan niya’y kakalam-kalam

Pagkain niya’y galing sa

Basurahan

Ulan, ulan, bumuhos ka ulan

Bumuhos ka ulan

Kahit konting patak siya’y

Iyong diligan

Ulan, ulan, bumuhos ka ulan

Kahit konting patak man lang

Langit ay nakatitig

Wari’y di madinig

Halaman ay tuyong-tuyo

Tao ay sumasamo

Sa init ng tag-araw

Di mapapansin ang sigaw

Nitong munting halaman

Sa tag-tuyo’y madiligan

Ulan, ulan, bumuhos ka ulan

Bumuhos ka ulan

Kahit konting patak siya’y

Iyong diligan

Ulan, ulan, bumuhos ka ulan

Kahit konting patak man lang

Langit ay nakatitig

Wari’y di madinig

Halaman ay tuyong-tuyo

Tao ay sumasamo

Sa init ng tag-araw

Di mapapansin ang sigaw

Nitong munting halaman

Sa tag-tuyo’y madiligan